Tuesday, June 9, 2026

 π—•π—”π—Ÿπ—œπ—§π—”: "Magnitud 7.8, niyanig ang Sarangani" ni Christian James Maon 



Disenyo ni: Desiree Jane Baligod


Inilathala ni: Rianna Isabel M. Tan


Petsang Inilathala: Hunyo 9, 2026


Oras na Inilathala: 11:02 PM




Yumanig sa Sarangani at mga katabing lugar sa Mindanao ang isang magnitud 7.8 na lindol nitong Lunes ng umaga, Hunyo 8, 2026 at matapos matukoy ang pagyanig, naglabas ng tsunami warning ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) bandang 7:37 nang umaga.


Nagdulot ng iba’t-ibang antas ng pinsala ang lindol sa mga imprastraktura sa General Santos City at Sarangani. Habang may mga ulat na ng mga gumuhong gusali, patuloy pa ring inaalam ng mga awtoridad ang kabuuang lawak ng pinsalang naidulot nito sa buong rehiyon.


Kinumpirma ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na may mga naitalang nasawi at nasugatan sa rehiyon ng South Cotabato, Sultan Kudarat, Sarangani, General Santos (SOCCSKSARGEN) habang patuloy ang assessment sa lawak ng pinsala ng mga imprastruktura.


Ngayong Martes, Hunyo 9, nagsagawa ang mga local government units (LGU), at mga pambansang ahensiya ng mga pagtatantiya sa mga pinsala ng malakas na lindol at relief operations na yumanig sa Sarangani kahapon ng umaga, 7:37 a.m.


Itinala ng PHIVOLCS ang mahigit 130 aftershocks, at ilan sa mga ito ay naramdaman sa rehiyon kabilang ang isang sukat ng magnitude 6.7.


Dahil dito, sinuspinde rin ang mga klase sa ilang apektadong lugar upang matiyak ang kaligtasan ng mga estudyante at guro. Ayon naman kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., mananatiling suspendido ang mga klase "until further notice."


Inaasahang ipagpapatuloy ang klase kapag nakumpirma na ng mga awtoridad na ligtas ang mga paaralan at paligid. Samantala, patuloy ang monitoring sa sitwasyon habang sinusuri pa ang mga posibleng aftershock at karagdagang pinsala.


Nagbabala naman ang PHIVOLCS sa mga posibleng aftershocks na mararamdaman sa mga susunod na araw at magtatagal pa ito ng mahigit isang buwan. Inabisuhan din ang mga residente na maging alerto at iwasan ang pagpunta sa mga nasirang imprastruktura.



MGA SANGGUNIAN:

Dava, B. (2026, June 8). Full Red Alert raised following magnitude 7.8 Mindanao quake | ABS-CBN News.ABS-CBN.https://www.abs-cbn.com/news/nation/2026/6/8/ocd-full-red-alert-raised-following-magnitude-7-8-mindanao-quake-1334


Temblor. (2023, December 23). Two offshore earthquakes in the Philippines: What do coastal communities need to know? Temblor.net. https://temblor.net/temblor/offshore-earthquakes-philippines-coastal-communities-tsunami-preparation-15745/?fbclid=IwY2xjawSTnJlleHRuA2FlbQIxMABicmlkETFZcENWMEo3bWVBUmw3QmZ1c3J0YwZhcHBfaWQQMjIyMDM5MTc4ODIwMDg5MgABHrdxP-GJZhkuCfhTeaXMb6CvUxLATiNyBohgqRjaf06sEsWTfHzXbnEFmdiO_aem_H5ygTBV-t3zDd4_4mN7UYQ


GMA News. (2026, June 8). Unang araw ng klase, nabalot ng takot dahil sa magnitude 7.8 na lindol. 24 Oras. YouTube. https://www.youtube.com/watch?v=qhNnXOxBN50


Inquirer net. (2026, June 9). Mindanao earthquake. Inquirer.net. https://www.inquirer.net/477209/live-updates-mindanao-earthquake-june-9-2026/

No comments:

Post a Comment