Disenyo ni: Erelah Janika Geniza
Inilathala ni: Rianna Isabel M. Tan
Petsang Inilathala: Hulyo 13, 2026
Oras na Inilathala: 5:30 PM
Bumandera ang Spain sa huling minuto upang pataubin ang Belgium, 2-1, nitong Hulyo 10 (oras sa Maynila) sa FIFA World Cup 2026 matapos ang goalkeeping error ni Senne Lammens.
Nasikwat ng Spain ang bentahe sa ika-30 minuto matapos magpasiklab si Fabian Ruiz, ngunit agad ding naitabla ni Charles De Ketelaere ang iskor bago matapos ang unang kalahati.
Mistulang hahantong pa sa extra time ang dikitang laban hanggang sa ika-88 minuto nang magpakawala si Pau CubarsΓ ng 25-yardang tira na hindi nahawakan ni Senne Lammens.
Sinamantala ni Mikel Merino, na dalawang minuto pa lamang nasa loob ng laro, ang naiwang rebound upang maitala ang panalong goal para sa Spain.
Ito na ang ikalawang sunod na pagkakataon na si Mikel Merino ang naging bayani ng Spain matapos ding maitala ang game-winning goal laban sa Portugal sa Round of 16.
Sa panalong ito, makakaharap ng Spain ang France sa semifinals na gaganapin sa Arlington, Texas, sa Martes (Miyerkules sa oras ng Maynila).
Ayon kay Merino, handa ang kanilang koponan sa matinding hamon. "We came here for this and we're confident in our abilities. It is one of those games you dream of as a kid," aniya.
Tinawag naman ni Spain coach Luis de la Fuente na "final before the final" ang kanilang paghaharap sa France dahil sa lakas ng dalawang koponan.
Samantala, niyakap ni Thibaut Courtois, na napalitan dahil sa injury sa ikalawang kalahati, si Senne Lammens matapos ang laban bilang pagpapakita ng suporta.
Sa kabila ng panalo, ito rin ang unang pagkakataong nakalusot ang isang goal laban sa Spain sa buong torneo. Itinanghal si Lamine Yamal bilang Player of the Match matapos ang mahusay niyang ipinakitang laro.
SANGGUNIAN:
Agence France-Presse. (2026, July 11). Spain reaches World Cup semifinal against France after late strike. The Philippine Star. https://www.philstar.com/sports/2026/07/11/2541441/spain-world-cup-semifinal-france-after-late-strike

No comments:
Post a Comment