Sunday, August 23, 2026

π—•π—”π—Ÿπ—œπ—§π—”: “Ikalawang pwesto, nasungkit ng ALTA sa Linggo ng Kabataan Dance competition” ni Ava Graciella Ainza











Mga kuha ni: Jammaica ClamaΓ±a at Rusti Osayan

Inilathala ni: Jellyssa Boniza

Petsang inilathala: August 23, 2026

Oras na inilathala: 11:34 AM


Nagwagi ang Artes Liceo de Teatro Alabang (ALTA) Dance Troupe matapos makuha ang ikalawang pwesto sa Linggo ng Kabataan Dance Competition bilang pagrepresenta sa Lyceum of Alabang matapos sumabak sa SYNC InterDance Competition of Schools 2026 noong Agosto 21, 2026 sa Muntinlupa Sports Complex.

Isinagawa ang paligsahan na may temang "Different Context, Different Aspirations," na pinangunahan nina Clarence Santero, Darryl Cainday, at Jaylo Arnasan bago ipinakilala si Youth Affairs and Sport Development Office (YASDO) Youth Division Head Anya Dangel para sa panimulang talumpati.

"Ito ay (mga choreography) tungkol sa pinagdadaanan ng mga kabataan sa panahon ngayon, na ating dapat malaman, para ating masolusyunan at matulungan," pahayag ni Binibining Dangel ukol sa tema ng paligsahan.

Nagbihis bilang robot ang ALTA Dance Troupe para sa kanilang konseptong "AI laban sa Tao," gamit ang puting kasuotan at bob-cut na ayos ng buhok. Ginaya rin nila ang galaw ng mga robot upang maipakita ang kilos ng artificial intelligence.

Matapos ang maikling panimula at paglalahad ng rubrik, nagsimula ang mga kalahok sa kanilang paghahanda para sa pagtatanghal, na sinabayan ng mga hiyawan mula sa mga manonood.

Nang magsimula ang kompetisyon, lalong umingay ang suporta para sa ALTA habang sinubaybayan ng mga manonood ang kanilang pagtatanghal mula simula hanggang matapos.

"Favorite ko yung sayaw ng ALTA, ang ganda ng details ng sayaw, tapos ang galing din ng props and costume," komento ng isang manonood.






No comments:

Post a Comment