Monday, August 17, 2026

π—•π—”π—Ÿπ—œπ—§π—”: "22 Patay sa bagyong Luis, Maymay at Habagat” ni Francheska Pielago


Disenyo ni: Dhenmar Lusanta

Inilathala ni: Macie Venice Caoc

Petsang Inilathala: Agosto 17, 2026

Oras na Inilathala: 12:19 PM


Umabot sa 22 ang nasawi at 17 ang nasugatan sa iba’t ibang bahagi ng bansa dahil sa pinagsamang epekto ng mga bagyong Luis at Maymay at Habagat nitong Sabado, Agosto 15.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), Benguet ang may pinakamataas na bilang ng nasawi, na umabot sa 15 katao. Karamihan sa mga ito ay nasawi dahil sa mga pagguho ng lupa sa Baguio, Atok, at La Trinidad. Sa naunang ulat ng NDRRMC noong Agosto 14, 10 ang nasawi sa Baguio City, tatlo sa Atok, at dalawa sa La Trinidad.

Tatlo ang nasawi sa Rizal, tatlo sa Batangas, at isa sa La Union. Kabilang sa mga naiulat na sanhi ng pagkamatay ang pagkalunod, pagguho ng bato, pagkakahulog ng puno, pagkakuryente, at pagguho ng lupa.

Iniulat din ng NDRRMC na 17 katao ang nasugatan, kabilang ang 12 mula sa Benguet. Tatlo naman ang patuloy na nawawala, tig-isa mula sa Pangasinan, Batangas, at Quezon.

Tinatayang 1.4 milyong pamilya o 4.8 milyong indibidwal ang naapektuhan sa Rehiyon I, II, III, V, VI, IX, CALABARZON, MIMAROPA, Cordillera Administrative Region (CAR), at National Capital Region (NCR), ayon sa NDRRMC.

Mahigit 44,000 katao ang kasalukuyang nanunuluyan sa 395 evacuation center, habang 1,818 bahay ang napinsala, ayon sa parehong ulat.

Umabot naman sa tinatayang P3.33 bilyon ang pinsala sa imprastraktura, habang P689.7 milyon naman ang tinatayang pinsala sa agrikultura, ayon sa NDRRMC.

Samantala, naglaan ang pamahalaan ng humigit-kumulang P592.5 milyon na tulong para sa mga komunidad na naapektuhan ng kalamidad.


MGA SANGGUNIAN:
ABS CBN news (2026, August 14.) | https://www.abs-cbn.com/news/nation/2026/8/14/over-4-1-million-affected-by-luis-maymay-habagat-ndrrmc-1310

ABS CBN News. (2026, August 15.) | 22 dead, 17 injured due to combined effects of Luis, Maymay, habagat—NDRRMC | ABS-CBN News https://share.google/hJUabyA4zE2BbjrG1



No comments:

Post a Comment