Monday, August 17, 2026

𝗟𝗜𝗕𝗔𝗡𝗚𝗔𝗡: “PBB Collab 3, bukas para sa bagong housemates" ni John Resty Merano



Inilathala ni: Julianne Faula Lugod 

Petsang Inilathala: Agosto 17, 2026 

Oras na Inilathala: 6:57 AM 


Inanunsyo ng reality TV show na "Pinoy Big Brother" ang pagbabalik nito sa "PBB Collab 3.0" para sa mga karaniwang Pilipino sa buong mundo noong Agosto 14.


Inihayag nina Gabbi Garcia, Bianca Gonzalez, at Kim Chiu sa "It’s Showtime" ang bagong season ng reality television program.


Hindi katulad ng naunang dalawang Collab season na tampok ang mga celebrity housemate, nakatuon ang bagong season sa mga karaniwang Pilipinong bibigyan ng pagkakataong manirahan sa Bahay ni Kuya.


Bukas ang audition para sa lahat ng Pilipinong edad 18 hanggang 35.


Kailangang mag-upload ang mga aplikante ng isang minutong video na naglalaman ng kanilang pangalan, edad, lokasyon, at dahilan kung bakit karapat-dapat silang maging housemate.


Magtatapos ang audition sa Agosto 31, habang hinihikayat ng programa ang mga aplikante na ipakita ang kanilang tunay na pagkatao at personal na kuwento.


Ibinahagi rin ni Gabbi ang kaniyang pananabik sa pagbabalik ng regular season, kung saan mas magiging natural at hindi gaanong kontrolado ang kilos ng mga magiging housemate.


Samantala, sinabi ni Bianca na isa sa kanilang mga inaabangan ang bagong Bahay ni Kuya matapos isara ang dating bahay na ginamit sa loob ng 21 taon.


Nagbigay rin ng payo sina dating housemate Will Ashley, Mika Salamanca, at Lella Ford sa mga nagnanais sumali sa PBB.


MGA SANGGUNIAN:

[1] Deveza, R. (2026, August 14). PBB is returning with ‘Pinoy Big Brother Collab 3.0’. ABS-CBN News. https://share.google/E0Z1lqq2Dw79x9tcE


[2] GMA News. (2026, August 14). ‘Pinoy Big Brother’ announces third season of Collab Edition, this time for regular housemates. GMA Network. https://www.gmanetwork.com/news/showbiz/chikaminute/998539/pinoy-big-brother-announces-third-season-of-collab-edition-this-time-for-regular-housemates/story/

 



No comments:

Post a Comment