Monday, September 7, 2026

π—Ÿπ—œπ—•π—”π—‘π—šπ—”π—‘: “Hollywood Walk of Fame, Pararangalan si Lea Salonga” ni John Resty Merano


Disenyo ni: Summer Maggay

Inilathala ni: Beatrice Isabel Miole

Petsang Inilathala: Setyembre 7, 2026

Oras na Inilatala: 7:18 AM


Makatatanggap si Lea Salonga ng bituin sa Hollywood Walk of Fame sa Setyembre 4 sa Hollywood Boulevard, Los Angeles, California, bilang unang Pilipinong makatatanggap ng naturang pagkilala. 


Makukuha ni Salonga ang ika-2,855 na bituin sa kategoryang Live Performance sa seremonyang gaganapin alas-11:30 ng umaga sa Pacific Time sa harap ng Pantages Theatre. 


Pangungunahan ni Emmy Award-winning sports and entertainment journalist Sibley Scoles ang seremonya, habang magsisilbing panauhing tagapagsalita si Ming-Na Wen, ang aktres na gumanap bilang tinig ni Mulan sa pelikulang Mulan noong 1998. 


Ayon kay Ana Martinez, producer ng Hollywood Walk of Fame, kinikilala ng parangal ang pambihirang talento at ilang dekadang karera ni Salonga na nakaabot sa mga manonood sa iba’t ibang panig ng mundo. 


Nakilala si Salonga sa buong mundo matapos niyang gampanan ang papel ni Kim sa musikal na Miss Saigon, kung saan napanalunan niya ang Tony Award. Naging unang Asian actress din siya na gumanap bilang Γ‰ponine sa Broadway production ng Les MisΓ©rables at kalaunan ay ginampanan si Fantine sa 2006 revival nito. 


Bukod sa teatro, naging singing voice ni Salonga sina Princess Jasmine sa Aladdin at Fa Mulan sa Mulan at Mulan II. Dahil sa kaniyang ambag sa Disney, kinilala siya bilang Disney Legend noong 2011. 


Sa loob ng 45 taon, nakapagtanghal si Salonga sa iba’t ibang bahagi ng mundo at sa harap ng mga pinuno ng Pilipinas, Estados Unidos, at mga miyembro ng British royal family. 


Kasunod ng seremonya, tatanggap din si Salonga ng Icon Award sa ikatlong taunang Manila International Film Festival Closing Night Awards Gala sa Beverly Hilton sa Beverly Hills sa Setyembre 6. 


MGA SANGGUNIAN:

D'Amato, L. (2026, August 24). Lea Salonga to receive a star on the Hollywood Walk of Fame. Broadway News. https://share.google/m4YoDkE2bJnZMOk1C


De Guzman, A. (2026, August 23). Lea Salonga to be honored with Hollywood Walk of Fame star in September. ABS-CBN News. https://share.google/yY38McnhiyFsefWzY


Evangelista, J. A. (2026, August 24). Lea Salonga to receive her Hollywood Walk of Fame star in September. Inquirer.Net. https://share.google/DfQ5UQavA5mtHzqA3


Tunac, H. J. (2026, August 23). Lea Salonga scheduled to receive Hollywood Walk of Fame star in September. GMA News Online. https://share.google/t9UZ4rL67DDEfVQD4

No comments:

Post a Comment