Wednesday, September 15, 2021

FEATURE: "Isang panayam katumbas ng libu-libong pang-uuyam" ni: Ayesha Mae G. Monreal


Singer, modelo, television host at isang aktres, si Celestine Cruz o mas kilala sa kaniyang screen name na ‘Toni Gonzaga’. Maraming mga netizen ang humahanga sa kaniya dahil sa nakakaaliw niyang mga kwento sa buhay at tagos sa pusong mga payo na siya ngang kinagigiliwan ng madla. Ngunit, kamakailan lang ay nag-trending si Toni, at tila nakatanggap ng kaliwa’t kanang kritisismo at komento sa social media. Ano naman kaya ang dahilan?

Ang nasabing aktres ay mayroong youtube channel na Toni Talks na may mahigit apat na milyong nakasubaybay, kung saan sa channel na ito ay nabibigyan ng kalinawan ang mga manonood sa ibang bahagi ng pulitika. Nito lamang lunes, Setyembre 13,2021 ay naka-panayam niya ang anak ng dating presidenteng Ferdinand Marcos na si Bongbong Marcos. Sa pangalang ‘Marcos’ na siyang kinagagalitan ng maraming Pilipino dahilan sa pagiging diktador ni dating presidenteng Ferdinand Marcos, ay siya ring dahilan ng pamumuna ng mga tao sa panayam ng nasabing aktres kay Bongbong Marcos.

Maraming nagagalit sa nangyaring panayam dahil ayon sa madla ay, binigyan ng pagkakataon ng aktres na maglahad ng plataporma at mangandidato ang isang Marcos. Sa paniniwalang ang mga ito ay diktador at magnanakaw. Sinasabi ring ang mga sagot ni Bongbong Marcos sa mga katanungan ni Toni Gonzaga ay pawang mga kasinungalingan lamang.

Gayunpaman, mayroon pa ring sumusuporta at nagsasabing maganda ang takbo ng ekonomiya ng bansa noong Marcos Era kaysa ngayon. Sa kasalukuyan ay hindi pa nagsasalita ang aktres sa mga komentong natatanggap.

Pinagkunan:
PhilStar
Twitter

No comments:

Post a Comment