Tuesday, September 21, 2021

LITERARY: "Estudyanteng Guro" by: Francine Dianne Ambayec

Ating mamamataan ang kanilang pagod

Paghihirap sa pagtuturo para makakayod

Mag aaral sa gabi kahit d na makatulog

Upang kinabukasang aralin ay maidulog


Tawag sakanila'y guro sa edukasyon

Pundasyon ng mga susunod na henerasyon

Ngunit sila di'y estudyante ng kanilang propesyon

Inaaral din nila ang itinuturong leksyon


Hindi ba't kataka-taka ang kanilang galing

Madaming aralin kaya nilang alalahanin

Sa sipag at tyaga matik na pabibilibin

Matematika?ingles?kayang kaya ituro sa atin


Guro nila'y internet at libro

Sandata nila'y pasensyat talino

Mga ugaling kailangan ng pilipino

Hinuhulma nila sa apat na sulok ng kwarto


Tinaguriang pangalawang nanay at tatay

Hinaharap ng mag aaral sakanilay nakasalalay

mga mag aaral ay may diploma na sa kamay

 ngunit silay estudyante parin hanggang mamatay


Sapat na kaalaman inyong nailalatag

Mga salita nyo sa utak nami'y nakalimbag

inuulit-ulit sa amin upang 'di maamag

Dulot ng inaral nyo ring magdamag


Sapalaran man sa pandemya'y hindi madali

Sakripisyo nyo sami'y nagbibigay ngiti

Sa kulit man namin minsay napapangiwe

Sa huli'y pagintindi pa 'ren inyong pinipili

No comments:

Post a Comment