Monday, September 27, 2021

LITERARY: "Synesthesia" by: Franxine Teodocio

"Synesthesia"

By: Franxine Teodocio


Natagpuan na naman ako ng buwan habang nakapikit ang mga mata ngunit buhay parin ang diwa. Naririnig sa magkabilang tainga ang malakas na melodiya. Gabi-gabi ko nalang ito ginagawa. Sa pagmulat ng mga mata'y tumambad ang maruming kisameng kinasawaan ko na. 


Sa paulit-ulit na pangyayari ay inakala kong tapos na. Inakalang lumipas na ang memoryang ibinaon sa mga oras ng pamamahinga. Ngunit hindi, ilang akala pa ba?


Minsan ay nalilimutan ko naman. Sa tuwing ako'y may mga kasama, may kausap, sa mga panahong hindi ako nag-iisa; Pansamantala. 


Ngunit sa mga oras na walang ibang nakapalibot sa akin maliban sa katahimikan, nararamdaman ko parin ang pagyakap ng pag-asang nagmula sa mga salitang binitawan nya. 


Dumaan ang isang malalim na buntong hininga. Kusang lumipat ang tugtog sa isang pamilyar na musika. Synesthesia. 


Save your smile~

Everything fades through time

I'm lost for words

Endlessly waiting for you~


Bawat liriko ng kantang ito ay talagang pinakinggan ko. Ang bawat salita ay tumatagos sa aking puso. 


Everything fades through time~


Tama. Lahat ay mawawala, biglaan man o paunti-unti ay pareho lamang. Ngunit sa kabila nito ay pinipili ko pa ring maghintay, maghintay na sana'y bumalik ka. 


Stay with me~

Yes, I know, this can't be

As morning comes

I'll say goodbye to you when I'm done

Through the sun~


Kahit naisin ko pa na ika'y manatili ay wala na akong magagawa pa. Kahit na ilang beses pang lumubog at sumikat ang araw ay ramdam ko na at alam ko na, na wala na talaga. 


Because I'm waiting for you,~

waiting for this

Dream to come true,

just to be with you

And if I die, remember these lines

I'm always here guarding your life, guarding your life~


Ngunit wala pa rin akong balak na isuko ang lahat. Dahil ako'y naghihintay. Ang mga pangarap na nais kong matupad kasama ka at ang pangarap na sana'y ikaw ay makasama ay patuloy ko pa ring hinihintay. 


I am yours~

And I'm completely trapped in your soul

Dazed and confused

Swept away with your whole world

'Cause you're my star

Invincible, haunting and far

Grace under fire

Something is deep in my heart,

in my heart~


Kung gaano ka kabilis na pinapasok ng puso ko ay syang tagal naman ng paglisan mo mula rito. At heto ako, nagmistulang preso sa pagkakukulong sa ilusyong ito. 


Pinatigil ko na ang musika. May hingal sa aking puso kahit magdamag lang naman nakahiga.  

Pagod na ang mga mata dahil sa walang tigil na pagbuhos ng mga luha. Pigil ang hikbing hindi maaaring marinig ng iba. 


Oras na para punasan ang mga luha. Pahinga ang hanap ngayong gabi at wala nang iba. Marahan kong ipinikit ang aking mga mata at bumulong sa mga tala-


Sana bukas ay hindi na. 


No comments:

Post a Comment