Monday, November 1, 2021

FEATURE: "Sa paaralan din may mahiwagang nananahan" by: Ayesha Mae Monreal

 


Isinalaysay ni: Samantha Roe Auza

Sa paaralan din may hiwagang nananahan

Nakaranas ka na ba ng kababalaghan mula sa iyong paaralan? Kung oo, maaari mo bang ibahagi? Kung hindi pa, halika’t magbalik tanaw mula sa karanasan ng ilang estudyante mula sa Lyceum of Alabang Inc.

Pagsapit ng dapit-hapon tayo madalas makarinig at makaranas ng mga nakakapanindig balahibong kuwento at pangyayari, ngunit paano kaya kung ang umagang kay payapa ay gambalain ng isang hindi kilalang mukha?

Batay sa kuwento ni Daniel Garcia na noo’y nasa ika-walong baitang pa siya, aniya’y hindi niya makakalimutang karanasan sa LOA ay noong umagang sa pagsilip niya sa isa sa mga silid-aralan ay ang pagbungad pabalik ng isang hindi kilalang mukha sa kanila ng kaniyang kasama. “Naka-lock lahat ng room noon at patay ang ilaw dahil nga umaga na,” dagdag pa niya. Paanong may sumilip pabalik kung wala pa namang mga tao sa room noong mga oras na iyon? Isang katanungang mahirap bigyang paliwanag, ating dadagdagan mula sa karanasan ng isa pang mag-aaral sa LOA.

Si Dane Navarro, na noo’y nasa ika-walong baitang rin ay ganito ang sinasabi, “Grade 8 kami nun, sa room ng Newton. About sa parts ng sewing machine ang lesson namin no’n edi dinala sa room namin yung sewing machine. Tapos naglelesson na kaya tahimik kaming lahat, laking gulat naming magkakaklase nung biglang pumadyak ang sewing machine. Hindi lang isang beses nangyari yun." Dinagdag pa ni Dane ang karanasan ng isang guro niya sa Science, “Sa library daw ng JHS sa baba, nagulat sila biglang umikot iyong globe eh wala namang tao doon”.

Dalawa pa lamang sila Daniel at Dane sa nagbigay ng nakakatakot na karanasan sa LOA. Ngunit, usap usapan ng ilan ang bata mula sa isang silid na nagbibilang pabaliktad saka biglang tatawa. Ang madre sa pool (Boracay) ng LOA at ang batang babae sa library ng JHS na laging naglalaro doon.

Kakayanin mo pa bang makinig pa sa mas malalalang kuwento ng iba? Gugustuhin mo pa bang buklatin ang nakatagong hiwaga sa Lyceum of Alabang? Ikaw, may kuwentong kababalaghan ka ba mula sa iyong paaralan?



No comments:

Post a Comment