Monday, November 1, 2021

LITERARY: "Sakit nga ba o kulam na? By: Danica Rhaine G. Elizaga

 


Naranasan mo na bang makakita ng mga bagay na hindi naman totoo? Maling akala at guni-guni para sa iba ngunit bangungot para sa nakadarama. Schizophrenia, pangalan pa lang ay mapapaisip ka na. 


Ano nga ba ang schizophrenia? 


Isang pangmatagalang sakit sa isip na kinasasangkutan ng malalang pagbabago ng pag-uugali, emosyon na humahantong sa maling pang-unawa, pagkakaroon ng hindi pangkaraniwang guni-guni at isang karamdamang na pipira-pirasuhin ang inyong pag-iisip.


Maaaring lumabas ang mga simptomas nito kung may mga pangyayaring naganap sa isang tao na nakadulot sa emosyonal at mental na pag-iisip nito. Halimbawa dito ay ang pagsasalita mag-isa, mga imaheng hindi nakikita ng ibang tao at mga boses na bumubulong sa iyo. 


May ibang taong hindi naniniwala sa mga doktor kaya ang kadalasang hinuha ng mga ito ay "nabarang"o 'di kaya naman ay "nakulam." Walang sapat na ebidensya para malaman kung tunay ba ang kulam ngunit walang masama kung tayo ay mag-iingat.

No comments:

Post a Comment