Ipinagdiriwang ang ika-158 na anibersaryo ng kapanganakan ni Andres Bonifacio sa Pinaglaban Shrine ngayong Nobyembre 30, 2021 na may temang, “Bonifacio 2021: Pagbubuklod para sa Kaligtasan at Kalusugan ng Bayan”.
Ilan sa mga dumalo rito ay ang Pangulong Rodrigo Duterte na kasama ang hepe ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na si Lt. Gen. Andres Centino, mga miyembro ng AFP; Karlo Nograles, Cabinet Secretary; Francisco Zamora, San Juan City Mayor at Dr. Rene Escalante, National Historial Commission of the Philippines Chairperson.
Pinangunahan ni Centino ang pag-aalay ng korona sa monumento at iginawad niya rin ang "Order of Lapu-Lapu, Rank of Magalong" kay Bonifacio na tinanggap naman ng apo nito sa tuhod na si Buena Grace Distrito Casanova.
Sa kabilang banda, nagpahayag naman ng talumpati si Pangulong Duterte, “I invite every Filipino to become a hero like Bonifacio by participating actively in our nation-building efforts, especially those challenging times when we have to secure our nation’s health, safety and wellness."
(Inaanyayahan ko ang bawat Pilipino na maging isang bayani katulad ni Bonifacio sa pamamagitan ng aktibong pakikilahok sa ating mga pagsisikap sa pagbuo ng bansa, lalo na sa mga mapanghamong panahon na kailangan nating tiyakin ang kalusugan, kaligtasan at kagalingan ng ating bansa.)
“The bravery and patriotism of Gat Andres Bonifacio and many of our forebears who fought against foreign dominators must serve as our guiding post in beating the odds that hinder our progress as a people and as a nation,” dagdag niya pa rito.
(Ang kagitingan at pagkamakabayan ni Gat Andres Bonifacio at ng marami sa ating mga ninuno na lumaban sa mga dayuhang dominador ay nararapat na magsilbing gabay natin sa pagharap sa mga pagsubok na humahadlang sa ating pag-unlad bilang isang tao at bilang isang bansa.)
Si Bonifacio ay ang kinikilalang "Ama ng Himagsikang Pilipino" at ang supremo ng rebolusyonaryong kilusan na tinawag na Kataas-taasang, Kagalang-galangang, Katipunan ng mga Anak ng Bayan (KKK).
Source: Manilla Bulletin
Photo Source: Armed Forces of the Philippines
-
Published by: Julianne Andrei F. Batiao
Date published: November 30, 2021
Time published: 20:19
No comments:
Post a Comment