Kamakailan lang ng aprubahan nang Department of Health (DoH) ang pagkakaroon ng booster shot sa Pilipinas. Sisimulan ito bago matapos ang taong 2021, unang target na turukan ang mga healthcare workers at mga senior citizens.
Ngunit ano nga ba ang dapat itawag sa pangatlong turok na ito? Magkapareho o magkaiba ba ang booster shot at 3rd dose vaccine?
Ayon sa World Health Organizations (WHO), ang layunin ng booster shot ay "ibalik" ang pagka-epektibo ng bakuna mula sa una at pangalawang turok. Layunin din nitong panatilihin ng matagal ang lebel ng kaligtasan ng isang tao. Samantala, ang 3rd dose vaccine ay karagdagang turok lamang at parte ng pangunahing serye ng COVID-19 vaccinations. Ino-optimize at ine-enhance rin nito ang pag-responde ng ating immunity upang magtatag ng sapat na lebel ng pagka-epektibo laban sa sakit.
Gayunpaman, anumang tawag sa ikatlong turok na ito, layunin pa rin ng bakuna na magkaroon ng sapat na resistensiya ang ating katawan upang labanan ang lumalaganap na sakit.
Isinalaysay din ng WHO na i-prioritize muna ang mga indibidwal na mamamayan na wala pang bakuna bago bigyan ng booster shot ang mga nakakumpleto na ng 2nd dose. Maaaring pumili ng uri ng bakuna ang mga mamamayan na magpapaturok ng booster shot.
Source:
GMA News
Rappler
No comments:
Post a Comment