Saturday, December 11, 2021

LITERARY: "Dapat Tama" by: Francine Dianne Ambayec

 


Kategorya: Tula

Tema: Pulitika

Buod: Sa pagpili ng iboboto kilatisin ang kandidato


Panahon na naman ng paligsahan
Binibitawan na pangako ay kabilaan
May kanya kanyang mga gustong patunayan
Isyu at baho ay pilit naghahanapan

Hindi sapat ang mabangong pangalan
Para sa pang matagalang kahirapan
Hanapin ang taong malalapitan at maasahan
May isang salita at hindi nang-iiwan

Pagboto ay dapat isaalang-alang
Piliin ang tama at hindi kurap sa bayan
Alalahanin ang kapakanan ng mamamayan
Karapatan ng bawat isa ay dapat ilaban

Kilatisin ang may paninindigan
Imulat ang mata sa ating lipunan
Pagboto ay wag ituring na lokohan
Maging tama sa mundo ng kamalian

Kaya sa aking mga kababayan
Laging tandaan at wag kalimutan
Ang botohan ay hindi para sa kapangyarihan
Kung hindi para sa ikauunlad ng bayan

Published by: Aliyah Margareth C. Imbat
Date Published: December 11, 2021 
Time Published: 2:08 PM

No comments:

Post a Comment