Thursday, December 2, 2021

NEWS: National Vax Drive tagumpay na nailunsad sa unang araw Isinulat ni: Cristian Jade Tulisana

 



                                  

Nasa mahigit 2.4 milyong Pilipino ang nabakunahan sa 3-Day National Vax Drive (NVD) na inilunsad ng pamahalaan.

Ayon kay Department of the Interior and Local Government Secretary Eduardo Año, hanggang alas-5 lamang ng hapon ito. Pinapakita sa kanilang vaccination operation reporting system (VORS) ang tala ng mga nabakunahan.

Target ng pamahalaan ang mahigit siyam na milyong Pilipino ang maturukan.

Upang bago matapos ang taon ay magkaroon na ng 54 milyong bakunadong Pinoy at magdaragdag pa sila ng isa pang 3-Day NVD sa Disyembre 15 hanggang 17.

Source: Pilipino Star Ngayon

Published by: Keith Alphonsus A. Ambuya

Date published: December 2, 2021

Time published: 1:48 pm



1 comment: