Thursday, December 2, 2021

NEWS: "Nuezca kumpirmado patay na!" by: Ayesha Mae Monreal

Nuezca kumpirmado patay na! 

Matatandaang ang dating police sergeant na si Jonel Nuezca na nag-viral dahil sa pagpatay sa mag-inang sina Sonya Gregorio at Frank Anthony sa Tarlac, idineklarang patay na ng Bilibid Hospital sa ganap na 6:44pm ng gabi nito lang Martes, Nobyembre 30. 

Ayon sa cellmates niyang si Chaclag ay nakita pa nito si Nuezca na naglalakad sa labas ng selda nito at biglang nawalan ng malay. Hindi pa kumpirmado ang dahilan ng pagkamatay ni Nuezca at hindi pa naisasa-ilalim sa autopsy dahilan ang bangkay nito’y nasa morgue pa. 

Hindi kapani-paniwala para sa marami ang biglaang pagkamatay ng dating pulis, kaya’t inaabangan ang resulta ng autopsy. 

Source: 

CNN News

Rappler


Published by: Heather Pasicolan

Date published: December 2, 2021

Time published: 12:45 pm

1 comment: