Lyceans! May sakit ka pa ba? Kung meron pa, huwag kang mag-alala madaragdagan iyan ngayong darating na linggo.
Matapos ang isang linggong pahinga, muling magtatagpo ang landas ng mga estudyante ng Lyceum of Alabang at ang mga application na ms teams, google meet at zoom. Ang masaklap pa ay sa darating na Biyernes at Sabado ay makakapiling natin ang Google forms upang magsagot ng 70 items exam. Final exam para sa unang semestre. Ngunit, ano ano nga ba ang mga pangunahing struggle sa panahon ng pagsusulit?
Unang una na diyan ang oras. Naranasan mo na bang matuliro kapag isang minuto na ang nakakalipas sa nakatakdang oras upang magbukas ang link ng google form, ngunit hindi pa ito tumatanggap ng tugon? Iyong tipong pindot ka ng pindot sa refresh button ng iyong cellphone nagba-bakasakaling bukas na ulit. Struggle is real! Sayang ang ilang minuto na dapat nakakapagsagot ka na, lalo pa kung mahirap ang subject ngunit hindi pa mabuksan ang link. Pangalawa, ay kapag puro identification ang nasa exam ni ma’am/sir. Iyong tipong ‘eenie-mini my nimo’ na nga lang ang pag-asa mo kapag hindi mo alam ang sagot, pero dahil identification ang nasa exam, kakamot ka na lang sa ulo mo. Struggle is real! Pangatlo, ay kapag nakatapos ka na mag-sagot ngunit nung pipindutin mo na ang submit button ay nag-error na. Struggle is real! Inabutan ka ng oras. Isa pa ay kapag hindi ka na nakapag-submit at naka-schedule ka na sa set B ng exam, struggle is real kapag nakalimutan mo na ang mga sagot.
Ngayong malapit na ulit ang pagsusulit marami pang struggle ang bawat estudyante na maaaring hindi ko nabanggit, ngunit nararanasan ng karamihan sa atin. Sa ngayon, may ilang araw pa ang mga estudyante ng Lyceum upang maghanda at mag-aral sa pagtatapos ng unang semestre. Good luck Lyceans!
Photo: Princess Inocencio
Published by: Lloyd Agbulos
Date published: January 26, 2022
Time published: 10:12 AM
No comments:
Post a Comment