Wednesday, January 26, 2022

LITERARY: "Paraiso" akda ni Francine Dianne Ambayec

 


Klasipikasyon: Tula

Tema: kalikasan

Sinopsis:  Walang kapantay na kagandahan sa kalikasan matatagpuan...

-

Magmulat at mamasdan 

Hindi mapantayang kagandahan 

Puro't tunay ang kalinangan  

Ito ang ating kapaligiran


Naglalakihang mga puno't halaman 

Sa mga hayop nagbibigay tirahan 

Ang tunay na likas na kayamanan 

Handog sa atin ng kalikasan


Dulot nito'y malinis na hangin

Nagdudulog at nagbibigay pagkain

Sa unos ay nagpoprotekta sa atin 

Marapat na pagingatan at sinupin


Kahalagahan nito'y dapat unahin 

Isantabi ang masamang hangarin

Kakulangan ay bigyang pansin 

Ito ay pagyabungi't paunlarin

-

Published by: Julianne Andrei F. Batiao

Date published: January 26, 2022

Time published: 10:03 am

No comments:

Post a Comment