Friday, January 7, 2022

LITERARY: "Pangako" ni Danica Rhaine G. Elizaga

 


Kategorya: Prosa

Tema: Pagmamahal

Buod: Pangako ng walang hanggan sa isa't isa na walang makakapigil. Kahit na kamatayan pa...


"Itinatalaga ko na kayo bilang mag-asawa..." Anunsyo ng pari dahilan para lumawak ang ngiti ko. Pinunasan ko ang mga luhang mistulang gripong umaagos pababa sa aking pisngi.


Napakaganda niya sa kaniyang damit. Lalong tumingkad ang kaniyang kagandahan dahil sa mga kolereteng nilagay sa kaniyang mukha. 


Naaalala ko pa ang araw bago ako sumabak sa gyera...


"Hihintayin kita." Ang sabi niya. Ngumiti ako at binigyan siya ng isang mainit na yakap. Kung alam ko lang na wala na akong uuwian. Sana pala ay hindi ko siya binitiwan.


Siya ang kasama magmula ng imulat ko ang mga mata. Pinaramdam niya sa akin kung gaano ako kahalaga. Nangako kami na hanggang sa huli ay magsasama. 

Ngunit... bakit nasa piling mo na siya?


"Mahal na mahal kita, sinta. Hanggang sa muli nating pagkikita." Hinalikan ko sa huling pagkakataon ang salaming naghihiwalay sa amin at saka tumingala.


"Ikaw na ang bahala sa kaniya..."


Labis kong sinisisi ang sarili sa iyong pagkawala, aking sinta. Pakiramdam ko ay wala akong kwentang sundalo. Nagawa ko ngang saluhin ang mga bala para sa libo-libong tao ngunit wala ako  nang kailanganin mo'ko. 


Patawad, mahal. Nangangako akong ibabalik ko ang hustisyang nararapat sa'yo.



Published by: Lloyd Agbulos 

Date published: January 07,2022

Time published: 1:20 PM

No comments:

Post a Comment