Friday, January 7, 2022

NEWS: "Mga hindi pa bakunado, nakakaranas diumano ng diskriminasyon." Ni: Ayesha Mae Monreal

Sa mas lalo pang tumataas na bilang ng cases ng COVID-19 sa ating bansa at muling paghihigpit sa mga lugar partikular na ang Manila at mga siyudad na nakapaligid rito, halos naging ID pass na ang vaccination card. 

Hinahanapan ng vaccination cards ang mga biyahe patungong Manila sa mga quarantine control points. Ang ilang mga simbahan lalo na ang Manila Cathedral ay nire-require na rin ang vaxx card bilang ID pass, ipinagbabawal din pumasok ang mga hindi bakunado. Sa mga fast food restaurants ay pawang mga bakunadong indibidwal lamang ang maaring mag-dine-in. Limitado rin ang paggalaw at paglabas ng mga wala pang bakuna kumpara sa mga fully vaccinated na. 

Dahil na rin sa mas mataas na tiyansa na magkahawaan ang mga wala pang bakuna at pagdi-diskrimina ay dinagsa ang mga vaccination sites sa iba't ibang lugar, resulta ng mabagal na pag-usad ng pagbabakuna kahit pa na may sapat na mga gamot.


SOURCE: PHILIPPINE STAR

Published by: Heather Pasicolan

Date published: January 07, 2022

Time published: 1:16 pm



No comments:

Post a Comment