Thursday, January 27, 2022

NEWS: "Alamin ang mga mahalagang impormasyon patungkol sa booster shots" ni Joanna Elisha Medina

Ipinahayag ng Department of Health (DOH) na maaari ng makatanggap ng COVID-19 booster shots ang edad na labing walong taong gulang at pataas na fully vaccinated ng pangunahing bakuna simula Disyembre 3, 2021. Ayon sa DOH, pwede ng magpaturok ng booster kapag anim na buwan na ang nakalipas kung ikaw ay nagpaturok ng two-dose vaccine, at tatlong buwan naman kapag single-dose vaccine.

Inaprubahan ng Food and Drug Administration (FDA) at Centers for Disease Control and Prevention (CDC) na maaaring mamili ang mga tao ng ibang brand ng bakuna para sa kanilang booster. Gayunpaman, sinasabi ngayon ng CDC na ang mga bakuna sa mRNA ay mas magandang gamitin bilang booster kaysa sa Janssen.

Ito ang mga nirekomendang dose combination para sa booster ng COVID-19 Vaccine.


Para sa kaalaman ng lahat, ang COVID-19 booster dose at third dose vaccine ay magkaiba. Ayon sa World Health Organization (WHO), ang layunin ng booster dose ay pagtibayin ang bisa ng pangunahing bakuna. Ang third dose vaccine naman ay karagdagang bakuna para sa ibang taong immunocompromised.

Sino ang mga taong immunocompromised? Sila ang mga taong madaling kapitan ng impeksyon kaysa sa malulusog na indibidwal, kumbaga sila yung mga mahihina ang immune system.

SOURCE:

Yale Medicine

Rappler

Philstar

Philippine News Agency


Published by: Heather Pasicolan

Date published: January 27, 2022

Time published: 7:35 pm

No comments:

Post a Comment