Sa pagpasok ng taong 2022 ay siya ring pagpasok ng Omicron variant sa ating bansa. Nito lamang unang araw ng Enero ay nakapagtala ng mataas na bilang ng COVID-19, dahilan sa paglabag at pagliban sa quarantine ni Gwyneth Chua na siyang nagsimula ng pagkakahawa-hawa muli sa lungsod ng Maynila.
Bukod sa tumataas na kaso ng COVID-19 ay tumataas rin ang kaso ng mga may trangkaso sa iba’t ibang lugar sa bansa, partikular sa Maynila. Pinipilahan ang mga drug store dahil sa mga sakit na ubo, sipon, lagnat at trangkaso. Bugso ng pabago-bagong panahon at mga kemikal na nalanghap sa pagsalubong sa bagong taon ang kinakikitaang dahilan ng mga sakit na ito. Gayunpaman, nilinaw ng DTI na walang nangyayaring shortage ng paracetamol sa ating bansa kahit pa na patuloy na namang tumataas ang kaso ng COVID-19.
Inaalala ng mga netizen na baka tumaas ang presyo ng gamot katulad ng pagtaas ng presyo ng facemask noong ito’y malakas at mataas ang demand.
Paalala naman ng DoH na huwag umasa sa mga gamot kung may nararamdamang sama ng pakiramdam. Ang simpleng sakit ng ulo ay hindi kinakailangan inuman agad ng gamot, mainam pa ring magpa-konsulta bago mag-self diagnose. Dobleng pag-iingat sa ating katawan ang mas kinakailangan.
Source: CNN Philippines
Published by: Euleen Summer O. Garchitorena
Date published: January 5, 2022
Time published: 6:09 pm
No comments:
Post a Comment