Ayon sa author na si Senator Francis Tolentino, ang nasabing “Workers’ Rest Law” o Senate Bill No. 2475 ay magbibigay ng karampatang kaparusahan kung nabulabog ang worker sa kaniyang rest hours.
Isa sa mga ipinapatupad ng Senate Bill na ito ay ang pagbibigay ng isang-libong piso (1,000) kada oras sa manggagawa kung ito ay magoovertime o maiistorbo sa kaniyang rest hours.
Layunin ng bill na ito ang pagbibigay ng pahinga at oras para sa “family role” ng manggagawa. Naniniwala si Senator Tolentino na sa ganitong paraan ay magiging mas produktibo ang mga empleyado.
Sa panahon ngayon, wala ng hanggangan at limitasyon na nagdedeklara o nagpapakita ng pagitan sa work life at personal life ng tao dahil sa hindi pagpapahalaga ng rest hours ng mga empleyado.
Dapat na nating bigyang halaga ang personal life ng isang taong. Hindi dapat nagkakaroon ng sagupaan sa work-life at personal life kung layunin ng empleyado ang maging mas produktibo.
SOURCE:
ABS-CBN NEWS
Published by: Heather Pasicolan
Date published: January 24, 2022
Time published: 3:09 PM
No comments:
Post a Comment