Monday, January 10, 2022

LITERARY: "Limang Buwan" ni Everly Krissa Tejada


Kategorya: Tula

Tema: Pangungulila

Buod: Paglabas ng saloobin para sa dating minamahal.


Nangungulila sa 'yo bawat umaga,

Sa tuwing ako'y gumigising na ang mga mata'y namamaga pa.

Nangungilila sa 'yo bawat tanghali,

Sa dinarami-rami ng iba diyan, bakit ikaw pa rin ang pinipili?

Nangungulila sa 'yo bawat hapon,

Sakit, galit, at kirot, nandirito pa rin at walang sawang iniipon.

Nangungulila sa 'yo bawat gabi,

Paulit-ulit na binabalikan ang matatamis na alaala ngunit nag-iiwan lamang ng mapapait na ngiti sa aking mga labi.

Nangungulila sa 'yo bawat madaling-araw,

Ika'y wala na ngunit ang aking nararamdama'y patuloy pa ring umaapaw. 


Sa bawat paggising, ikaw ang unang iniisip,

At bago matulog ay ikaw ang nais kong mapanaginip.

Hindi maintindihan ang sariling kalagayan,

Pilit na kinakaya kang malimutan.

Sa itinagal-tagal ng panahon magmula nang mawala ka,

Tila hindi ko pa rin mawari kung bakit ito ang plano ng tadhana.

Mula Hulyo hanggang Disyembre, mga panahong magkasama pa tayo,

Mga buwang ako pa ang pinakamasayang tao sa mundong ito.

Pagsapit ng Enero, dalawang taon mula ngayon ay nawala na lang lahat,

Ngunit patuloy ka pa ring iibigin kahit hindi na dapat



Published by: Keith Alphonsus A. Ambuya

Date published: January 10,2022

Time published:12:13 PM

No comments:

Post a Comment