Katergorya: Tula
Tema: Paghanga
Buod: Ang pagkahumaling sa tinig na hindi maikubli.
Sa sandaling oras na ika'y nakilala,
Himig mo'y labis na nakahahalina.
Lalo pa nang marinig ang paboritong kanta,
waring ang mga labi'y awtomatikong ngumiti na tila umabot hanggang tainga.
Himig mong kay sarap sa pandinig,
maaari ko ba ito muling marinig?
Isang awiting hindi 'ko man nais marinig,
inawit mo naman sa 'kin nang may laman ang bawat tinig.
Isang magandang awitin na sa akin mo inialay,
tila sirang plakang nagpaulit-ulit sa aking isipan.
Hindi ko man ito marinig ng harap-harapan,
ligaya naman ang aking nadarama nang ako'y iyong awitan.
Sa 'king sikmura'y mga paru-parong nagliliparan,
awitin mong sa akin inihandog ang siyang tangi nitong dahilan.
Umaasa akong muli mong maawitan,
sapagkat 'di ako magsasawang ito ay mapakinggan.
Published by: Rhina Ruth T. Galano
Date published: January 06, 2022
Time published:12:08 PM
No comments:
Post a Comment