Monday, February 21, 2022

LITERARY: "PAG AMIN" by Franxine Louise Teodocio

 


Katergorya: Tula

Tema: Kalungkutan

Buod: Ang pag-asa sa pag-ibig na hinahangad na kusa nang ibinigay sa iba.


-


Pag-amin sa iyo'y tila isang pagsubok,

kakaibang kaba na sa puso'y naging dahilan ng kay bilis na pagtibok.

Pinagsamaha'y hindi ninanais na masayang,

ngunit pag-amin sa iyo'y ayaw panghinayangan.


Mga ngiti mong nakapagbubuo ng araw ko, 

hinihiling kong sana'y ako na lamang ang dahilan nito. 

Bawat lungkot na iyong mararamdaman,

ako'y nandirito upang iyong masandalan. 


Gagawin ang kahit na ano mang balakin, 

dahil ang tanging hinahangad lamang ay ika'y mapasaakin. 

Ngunit kung ang ninanais mo ay kasalungat ng hinahangad ko, 

paano na ang pag-ibig na tayong dalawa ang dapat na bumubuo? 


Pag-ibig na para sa akin ay natamo ng iba, 

wala na akong magagawa pa kundi maging masaya na lamang para sa inyong dalawa.

Dahil kung hindi man tayo ang para sa ngayon,

Nandirito pa rin ako at umaasa na mayroon pang susunod na pagkakataon.



Published by: Airene Nicole Q. Pamintuan

Date Published: February 21, 2022

Time Published: 12:59 PM

No comments:

Post a Comment