Saturday, February 19, 2022

LITERARY: "Paglubog ng araw" by Angelica Rosa

 

Kategorya: Tula

Tema: Pagkabigo, Pangungulila

Buod: Ang mga alaala na kahit piliting ibaon sa limot, hinding-hindi makakalimutan kahit dumaan ang mahabang panahon.


Ang papalubog ng araw ay aking pinagmasdan,

Masakit na alaala ay aking naramdaman.

Panahon na ako'y iyong iwan mag-isa,

Sa lugar na masaya tayong gumawa ng magagandang alaala.


Masakit sa damdamin,

Mahirap tanggapin,

Ako'y nag-iisa na lang

Sa tuwing paglubog ng araw makikita ka na lang sa kawalan.


Sa mga oras na ito ako'y litong-lito,

Ano ba ang dahilan, at iniwan mo ako,

Umalis ka ng walang paalam,

At ako'y tuluyan mong iniwan.






Published by: Aira Lindsay L. Dela Cruz

Date published: February 19, 2022

Time published: 10:07 am 



No comments:

Post a Comment