Published by: Lloyd Agbulos
Date published: March 30, 2022
Time published: 12:31 PM
Katergorya: Tula
Tema: Kalungkutan at Pangungulila
Buod: Pangungulila sa kaniyang lola na kailanman ay hindi na niya muling masisilayan pa.
—
Pinasadahan ng tingin ang payapang libingan;
kung saan mahimbing at tila habang buhay nang nakapikit ang mga nakahiga.
Pinagmasdan ang ningas ng kandilang nalulusaw na.
Nakabibinging katahimikan ang namutawi sa pagitan ng mga puntod,
taimtim na nanalangin sa nasa itaas
gabayan lamang ang siyang tanging kahilingan.
Umihip nang malakas ang malamig na simoy ng hangin
tila isinayaw ang hawak na bungkos ng puting rosas,
doon nahagip ng mga mata ang pigura ng kanyang lola.
Nakangiti ito na tila wala nang problemang dala,
doon lamang tumulo ang luhang kanina pa nagbabadya.
Ito ang unang beses na siya'y makatanggap ng bungkos ng puting rosas,
kung saan payapa na syang nakaratay
at hindi na muling didilat pa
Doon sya naglaho, at hindi na muling masisilayan pa.
No comments:
Post a Comment