Tuesday, March 8, 2022

LITERARY: "Sandata" ni Francine Dianne Ambayec


Published by: Lloyd Agbulos 

Date published : March 08, 2022 

Time published: 1:00 PM


Kategorya: Tula

Tema: Digmaaan

Buod: Ang tunay na kasarinlan ay nasa may mabuting kalooban...


Umaalingasaw ang usok sa kapaligiran

Mga balang sa langit nagliliparan

Karapata't dignidad ay pinaglalaban

Pagdurusa sa pagkamit ng kalayaan


Iba't ibang opinyong nagtatagisan

Dahas na ginagamit sa karahasan

Patuloy na pag-usbong ng digmaan

Paano na mga kawawang sibilyan


Matayog na istruktura'y nagsibagsakan

Mga tahanang sapilitang nililisan

Kabataang namulat sa kahangalan

Katapatan sa bayan dulot ba'y kamatayan


Komunikasyon nga'y tunay na kailangan

Pakikinig ang daan tungo sa kasarinlan

Hindi gulo ang sagot sa bawat katanungan

Tunay na karangala'y nasa malinis na kalooban

No comments:

Post a Comment