Published by: Jan Yeasha Mendez
Date published: April 20, 2022
Time published: 4:12 PM
Kategorya: Tula
Tema: Kahirapan
Buod: Sa mundong pera ang kailangan, karapatan ng mahihirap kailan kaya makakamtan?
Sa tindi ng init ng panahon,
Pawisang mukha ay makikitaan ng tindi ng pagod,
Mga paa'y nangangalay,
Mga kama'y na nakulapaypay.
Hindi alintana ang kumakalamlam na sikmura,
Mga mata'y nangingilid na sa luha,
Dalawang piraso ng tinapay,
Ibabahagi sa pamilyang nag-aantay.
Marami nang nagdurusa't lumuluha,
Kahirapan sa buhay kailan ba mawawakasan,
Kapos na sa kayamanan,
Kanilang karapatan hindi pa din nakakamtan.
No comments:
Post a Comment