Kategorya: Tula
Tema: Kasarian
Sinopsis: Ano man ang pinagmulan
malayo man sa nakasanayan
Ang tunay na pagkakakilanlan
Ay nasa puso't wala sa kasariaan
Pagiging normal ano nga bang basehan
Sa suot, sa ugali o sa kasarian man
Natatangi't iba sa makulay na paraan
Bahagring liwanag sa madilim na lipunan
Bawat isa ay may kaniya kanyang kayarian
hindi nababase sa lakas at kakayahan
babae, lalaki o kahit ano pa man
natatangi't espesyal at may kagandahan
Mga taong sa tukso'y naging tampulan
tingin ng iba'y sakit at dulot ay kakahihiyan
Ngunit sila rin naman ay may pakiramdam
Ang kasarian ay hindi kailanman madidiktahan
Imulat ang mata sa bulag na bayan
Hindi na bago ang usaping kauriaan
takpan ang tenga sa nakakabinging kaganapan
Hindi sa ari nagtatapos ang tunay na pagkakilanlan
Published by: Julianne Rose M. Laureano
Date Published: June 6, 2022
Time Published: 10:14 am
No comments:
Post a Comment