Thursday, September 29, 2022

π—£π—”π—‘π—œπ—§π—œπ—žπ—”π—‘: "Gabing Panganib" ni Mark Jazzey Reyes

 


Published by: Aliyah Margareth Imbat

Date published: September 29, 2022

Time published: 9:45 AM

Klasipikasyon: Tula
Tema: Seguridad ng Mamamayan

Sino ang may sala,

Ang alipin o ang Namamahala?

Sino ang nagkulang?

Sino'ng mga mangmang?


Kay sarap pagmasdan—

Nagngingitiang ilawan

At nag-aawitang sasakyan.

Ito'y aking paraan—

Na'ng  luha'y maiwasan.


Pa'no kung isang gabi't araw—

Na ang dating nakasanaya'y

'Di na muling masisilayan.

'Ni maglakbay sa kalawaka'y

Wala nang kasiguraduhan.


Isang kisap mata'y 'di inaakala.

Isang gabi't araw,

Pamilya'y nabahala.

Isang umagang Bumulaga—

Parang bula ang pagkawala.


Sa globong puno ng gulo,

Mga baluktot na batas at artikulo.

Alipin ba ang s'yang matigas ang ulo?

Ano ba'ng dapat plantyahin?

Na'ng katiyakan sa tahana'y,


Maramdaman at walang alinlangan.

Sa bawat looban, syudad at kapuluan.

kailan ba matatapos ang daan?

Daan na puno ng ilaw,

Patag ang hiling s'yang lilitaw.


Pundidong ilawan—

Pagdanak ng dugo sa sanlibutan.

Simulan at punan,

Ang lahat ng kakulangan.

Na'ng mga puslit ay may kapanatagan.


Punan ng ilaw ang pundidong ilawan.

No comments:

Post a Comment