Posted by: Danica Demaclid
Date Published: September 29, 2022
Time Published: 11: 28 AM
Kategorya: Tula
Tema: Paghihirap
Nilibot ang paningin sa paligid,
Iniisip kung sino ang masama at mabait.
Hindi alam kung paano iidlip.
Sa mga mata makikita ang pasakit.
Sumisigaw ng tulong,
Ngunit para itong bulong.
Walang makarinig, walang tugon.
Ang batang paslit ay nagugutom!
Maaari mo ba kaming bigyang ng kasagutan?
Maari mo ba kaming bigyan ng katarungan?
Hanapin ang haligi,
Maging ang ilaw ng tahanan.
Sa araw-araw sa aki'y palaisipan,
Sino nga ba ang dapat paroonan?
Kalam ng sikmura ko'y bigyang dulong!
Sa lugar, saan dapat lululan?
Kapos-palad, sino ang dapat kapitan?
Sikmura ay pawang nasa kawalan.
Himig ng hangi'y tila kumot na bumalot,
Aking mga mata ay lumikot.
Balikat ay pawang dinaganan,
Nawaglit ang isip sa kaganapan.
Patirin ang kauhawanγ
‘
Salukin ang luha ng kalangitan.
Pagkain na aking namataan,
Saan nanggaling?
Walang makaaalam.
Sa paglubog ng araw at pag angat ng buwan,
Ako muli ay hihimbing;
Kauplaka'y nadulugan,
Apaw ang tubig sa kalamnan.
Tunog ng sasakyan ang humahalina,
Batang kalye ang tinuring na pamilya.
Sa malamig na daanan;
Minsa'y maputik, minsa'y mainit,
Naroroon ang pahingalayan,
Lansangang naging pundasyon para sa aking tahanan.
No comments:
Post a Comment