Monday, September 26, 2022

π—•π—”π—Ÿπ—œπ—§π—”: “Mabilis na pagkilos ng Bagyong Karding, nakatulong sa hindi gaanong malalang pinsala.” ni Danica Rhaine Elizaga

 


Published By: Bianca Madeline Oloya

Date Published: September 26, 2022

Time Published: 1:05 pm


Hindi inasahan ang bahagyang paghina ng bagyong Karding nang ito ay lumapag sa kalupaan lalo na sa Central Luzon. Bagama't humina, nagdulot pa rin ito ng pinsala sa mga lugar sa Aurora, Quezon at Zambales.


Dahil sa mabilis na pagkilos ng bagyo sa kalupaan ay hindi gaanong malaki at malubha ang naging epekto at pinsala nito gaya ng ulat ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA). Kasalukuyang bumabalagtas sa coastal waters sa Santa Cruz, Zambales ang nasabing super typhoon. Inaasahang kikilos ang bagyo pa West-Northwest sa bilis na 30 km/p na may dalang hangin na umaabot sa 140 km/p na may pagbugsong 170 km/p.


Ayon sa PAGASA , maaaring lumabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyo mamayang gabi o bukas ng madaling araw. 


Naitala ang naging epekto ng bagyo sa lalawigan ng Aurora at ilang kalapit lugar. Marami ang mas piniling manatali sa evacuation center at may ilan rin na minabuting itali na lamang ang kani-kaniyang bahay upang hindi magiba ng hangin at ulan. Inabisuhan ang lahat na mag ingat lalo na at patuloy pa rin ang pagbuhos ng ulan sa ilang lugar sa bansa.


Wala pang ulat ang PAGASA sa kahit anong banta ng bagong low pressure area at inaasahan na magkakaroon pa ng anim hanggang siyam na tropical cyclone sa mga natitirang buwan ngayong taon.


Source: GMA NEWS —

https://youtu.be/-E7pb8KhO5k https://youtu.be/hnq_PvuNkhw

No comments:

Post a Comment