Published by: Aliyah Margareth Imbat
Date published: October 7, 2022
Time published: 11:37 AM
Klasipikasyon: Tula
Tema: Hesitasyon sa pag-alam ng dapat malaman.
"Hiram ang nilalaman ng isipan,"
Pagtitinig ng kalooban.
Pinukol ng kadena ang lagusan,
Tila ba'y habambuhay ito'y hindi maraanan.
Matang may tapis,
Bibig na labis;
Mga taingang naghihinagpis.
Hindi mawari,
Hindi masuri;
Kamang-manga'y kailan masusubli?
Inutil ba ang magwawagi?
Martsa sa kapahamakan,
Subalit bawal nang lumisan.
Masiha sa kayamanang halang;
Kayamanang mananakaw ng ibang hibang.
Hinuha ng karamihanγ ‘
Kandadong pintua'y maari namang lakaran,
Datapwat, sakim ay dapat iwan.
Marapat na hindi magbabago ang paninindigan,
Tiyaking hindi maliliban ang katinuan.
Huwag magpapaiwan sa mapanlinlang na lagusan.
No comments:
Post a Comment