Published by: Lloyd Agbulos
Date published: November 03, 2022
Time published: 11:02 AM
Tuwing ikalawa ng Nobyembre, bilang paggunita sa mga namayapa nang kaanak, nakaugalian na nating mga Pinoy ang pagsisindi ng kandila sa tapat ng kani-kaniyang tahanan.
Tuwing sasapit ang araw ng mga patay ay dumadagsa ang nagtitinda ng bulaklak at kandila. Ngunit, ni minsan ba’y sumagi sa iyong isipan kung bakit kandila ang sumisimbolo sa mga sumakabilang buhay na? Mapapansing, malalaman natin sa ating mga social media account kung ang ating kakilala o kaibigan ay namatayan kung sila’y nagpalit ng profile picture na may kandila. Makita lamang natin ang ganitong larawan ay tiyak puro “condolences” ang makikita pagbukas ng comment section.
Sinasabing ang nakasinding kandila ay sumisimbolo sa pag-alala sa patay, nangangahulugan itong ang mga alaala ng namatay ay nabuhuhay pa rin at inihahahalintulad sa apoy ng kandila na nagniningas. Isa pa sa mga rason ay ang kandila ay sumisimbolo rin bilang panalangin. Ayon sa mga paniniwala ng mga katoliko, ang kandila ay nagsisilbing extension ng panalangin na paulit-ulit habang nabubuhay pa ang liwanag, kung kaya’t mapapansin na bumubulong tayo ng maikling panalangin tuwing magsisindi ng kandila. Ang kandila ay pinaniniwalaan ding isang sakripisyo o regalo para sa mga namatay. Magsisilbi itong tulong sa mga namatay upang malinis ang kaluluwa at mapaikli ang oras na sila ay nasa purgatoryo.
Ang mga ito ay siyang paniniwala ng simbahang katoliko na niyayakap nating mga Pilipino. Sa pamamagitan ng mga ganitong paniniwala ay idinaraos natin ang araw ng mga patay sa pagdalaw sa mga namayapa at pag-aalay ng bulaklak at pagsisindi ng kandila.
Litrato ni: Ayesha Mae G. Monreal
No comments:
Post a Comment