Monday, April 1, 2024

π—£π—”π—‘π—œπ—§π—œπ—žπ—”π—‘: ''Buhay ko ang biro tuwing Abril'' ni Francis Arman Mesa

 


Dibuho ni: James Gamboa

Inilathala ni: Ellen Clare Carballo

Petsang Inilathala: Abril 1, 2024

Oras na Inilathala: 4:19 PM


Kategorya: Tula

Tema: Birong sa buhay ay 'di nakatutuwa.


Ano ang totoong layunin ng mga biro

tuwing Abril?

kung ang aking buhay

ay mas nakaaaliw.


Ako ang payaso na nagbibigay ngiti,

gamit ang makukulay na kolorete

nakabuo ng mukhang masaya.

Habang ang tunay na nadarama,

mananatiling nasa likod ng makulay na maskara.


Gaya ng mga nakatagong

mensahe sa likod ng tula,

doon mo rin makikita

ang mga naipon kong luha.


Ang mga birong sa iba'y nakakapagpatawa,

saki'y panlilinlang ang dala.

Bawat biro'y sumasakit,

bawat biro'y nilulunok.


Sa buhay ko’y walang saysay

ang mga biro tuwing Abril,

nagbibigay lamang ito

ng kaguluhan at kalituhan.


Kung mas biro ba ang aking buhay

kaysa sa mga nakikitang kalokohan.

Kung sumasabay pa ba ang talinhaga

sa mga tugma.

No comments:

Post a Comment