Published by: Aliyah Margareth Imbat
Date Published: November 17, 2022
Time Published: 4:29 PM
Klasipikasyon: Tula
Tema: Mga pangyayari sa panahon ng Tag-ulan.
Kalimitan na nga na kahit noonβ
Pagbukas ng klase ay nag-uumpisaβ
Buwan ng Hunyo sa ulan ay balisa,
Laloβt ang bata hatid-sundo ang nasaβ
Mahirap nga sa ating mga magulang.
Nakasanayang pasok may nagkukulang.
Sa mga panangga sa basa ng ulang,
Sakit din ang dulot na nakahahadlang.
Naranasan mo ba ikaβy masabuyanβ
Habang naglalakad sa tabi ng daan?
Ang mga sasakyang walang pakundangan;
Dumaan sa baha ikaβy natapunan.
Nakakahiya papasok pa lang naman.
Na puno ng putik harap at likuran.
At magpapasyang umuwi sa tahanan,
Kahit na mahuli bastaβt mapalitan.
Karaniwan na din may mga kapote,
Ayaw pa ngang suotin ng estudyante.
Kaya kay Nanay away sila parati,
Gusto lang naman ikaw ay mapabuti.
May saya ring hatid klase sa tag-ulan.
Pag-uwi nga nila hagis sa labahan;
Suot pang-itaas at βshortβ lang maiwan,
Kagyat maglulunoy tampisaw sa ulan.
Kahit pa magalit ang Ama at Inay,
Mayroon pa ngang sermon palo ay panay,
Ang isinisigaw na lagi ni Nanay,
Baka magkasakit at manlulupaypay.
Photo by: Rr J. Pantaleon
No comments:
Post a Comment