Friday, June 2, 2023

π—£π—”π—‘π—œπ—§π—œπ—žπ—”π—‘: “π—”π—žπ—’, 𝗔𝗬 π—”π—žπ—œπ—‘” ni Andrea Jasmine Navarro


 Published by: Faith Villaluna

Date Published: June 2, 2023

Time Published: 10:33 AM


Kategorya: Tula

Tema:  Pride Month

Isa π—”π—žπ—’ sa mga galang paruparo na ibinabagtas ang himpapawid,

Pilit na inaabot ang puti't bughaw na langit,

Paikot-ikot sa mataas na pulang marka—

Na iniwan ng mga maalipustang ibon at daga,

At sa aki'y dumidikit na parang mga linta.


Ako ang nag-iisang dalagitang may hawak ng simbolo, 

Nakakalat sa aking katawan ang isang daang hibo,

Kasama ang mga hibla ng telang nakabalot—

Sa aking mga lapang na sa laksa'y aabot;

Tila nautas ng mga bakal na saplot.


Buumbilang ng aking paghinga mula pagkabata;

Nakaayon sa buyo ng mga nakasilip na mata,

Kinikipkip ang aking kaluluwa't katawan,

Gamit ang mga palad na sa aki'y humahataw,

At mga daliring nakaharang sa haring araw.


Umabot man ng siglo ang mapaniil na pakiramdam,

𝗔𝗬 π—”π—žπ—œπ—‘ itong tatawirin at lalampasan,

Kahit pa ako ay may isang labi lamang,

Gamit ang isang malakas na awit—

Bubuo ako ng pwersang makatatanggap sa amin.


IMAGE SOURCE: https://www.rappler.com/.../205984-struggles-lgbtq.../

No comments:

Post a Comment