Thursday, June 1, 2023

π—£π—”π—‘π—œπ—§π—œπ—žπ—”π—‘: “Tahanang Kay Hirap Tuklasin” ni Mark Reyes

 



Published by Samantha Angelica Salaver
Date Published: June 1, 2023 
Time Published: 4:59 P.M.


Kategorya: Tula


Sa dinami rami ng tahanan na napuntahan;

Tahanan na nagbibigay kalungkutan,

Tahanan na nagpapagulo ng kaisipan,

Tahanan na ‘di magawang magpatahan—

Sa oras ng pagluha tila walang malapitan,

Nasanay nang matulog na dala ang bigat ng nakaraan—


Walang haligi ng tahanan na magsisilbing sandalan,

Walang ilaw ng tahanan na magbibigay kasagutan—

Sa lahat ng bangungot na sumasagi sa isipan,

Walang makain sa hapagkainan sa oras ng kahinaan,

Wala ring kama na madadantaya’t mahihigaan;

Pagsapit ng gabing kailangan ng maku-kwentuhan—


Naubusan na ng pag-asang matatagpuan—

Ang tahanan na may wagas na kasiyahan,

Tahanan na magbibigay kapanatagan,

At ‘di na muli maguguluhan sa kinabukasan—

Tahanan na sa anumang oras ay malalapitan,

At makakatulog na walang nakadagan.


Umaasa na balang araw ay masilayan,

Ang tahanang ‘di makakaramdam ng kakulangan,

Dahil may haligi na siguradong masasandalan—

Sa panahong muling makaramdam ng kahinaan;

Dahil may ilaw na magsisilbing akbayan—

At ‘di na muling mangangapa sa kadiliman.


Paggising kinabukasan ay ‘di inaasahan,

Na ang matagal ng nais masilayan,

Ay sa isang tao lamang mararanasan.

Sa tinagal tagal ng kapanahunan—

Naramdaman na ang kapayapaan,

At tunay na kahulugan ng salitang ‘tahanan’—


Sa’yo lang natagpuan ang tunay na kapahingahan.



Photo Source: https://www.peakpx.com/en/hd-wallpaper-desktop-gjacy

No comments:

Post a Comment