Thursday, June 1, 2023

π—£π—”π—‘π—œπ—§π—œπ—žπ—”π—‘: "Langit sa Lupa" ni Zoe Alacar

 


Published by Samantha Angelica Salaver
Date Published: June 1, 2023
Time Published: 4:32 P.M.


Kategorya: Tula 

Tema: Kasiyahan sa nagmamahalan



Kailanman ang puso ko’y hindi ipagpapalit,
Sa isang palasyo na wala ang iyong pag-ibig.
Katulad ng apoy na pinagsama;
Ang puso ko’y nasa iyo na.

Hawakan ang iyong mga kamay,
Sa hirap ng buhay, 
Tayo’y magtatagumpay.
Lalakbayin ang Impyerno at Langit—
Makapiling ka lang ay maaari.

Ninakaw mo ang aking puso;
Inalagaan at binigyan ng tahanan,
Sa mundong puno ng kasamaan.
Tinawag mo akong sayo, at ika’y akin.

Ang pagtrato mo sa akin ay naiiba, 
Kumpara sa mga lalaking nagsisilbing walang kwenta.
Ipinatong mo ako sa isang pedestal,
Minayabang at sinamba sa harap ng iba.

Buong buhay na ito, iaalay ko sa iyo.
Walang batid para sa kinabukasan,
Basta’t kasama ka sa aking paghihirap at pagsasaya,
Ako’y nasa langit kontento na.

No comments:

Post a Comment