Monday, November 20, 2023

π—£π—”π—‘π—œπ—§π—œπ—žπ—”π—‘: “Duda” ni Harold Matthew B. Caminto

 



Inilathalata ni: Irene Alga

Petsang Inilathala: Nobyembre 20, 2023

Oras na Inilathala: 1: 41 PM


Kategorya: Tula

Paksa: Panghihinala


Sa sandaling oras bago ang ating paglisan—

Iyong nadama, pag-aalinlangang umudlot ng ating kasiyahan.

Kung sakali, maaari bang sabihin?

At kung maaari, pwede bang tanungin?


Aking napagtanto, iyong pag-aalala,

Mga maling inaakalang nagdulot ng pangangamba.


Sa iyong kaisipan:

Sambit ng aking labi ay malabo at puno ng kasinungalingan.

At sa munting sulyap ng pagdududa, hindi na katulad ng dati ang mga titig na inilalaan.


Sa iyong madalas na pag-aalinlangan,

Hindi mo na ako pinagkakatiwalaan.


Puntong ako'y walang sala, sana'y dinggin.

Pangako na kailanma'y ikaw lang ang mamahalin.

Sana lahat ay maging klaro, iyong munting pag-aalala ay limutin.

Sana'y hindi maudlot sayong paglisan, pangakong para sayo lamang ay tutuparin.


PINAGKUHANAN NG IMAHE:
Samantha. (2023, June 16). Image about love in Summer 🌿 by Polly on We Heart It. 
Pinterest. https://pin.it/5PaGezh


No comments:

Post a Comment