Monday, November 20, 2023

π—£π—”π—‘π—œπ—§π—œπ—žπ—”π—‘: "Bihag" Ni Gen Paris Masamayor

 


Inilathalata ni: Irene Alga

Petsang Inilathala: Nobyembre 20, 2023

Oras na Inilathala: 2:06 PM


Kategorya: Tula

Tema: Obsesiyon


Oh kay kisig ng pigura,

Ngunit ang hangin ay wala na.

Pilipit sa aking baiwang,

Sayo'y ako'y hunghang.


Ngayo'y akin ka na,

Kasama kong mag-isa;

Magkadikit ang ating mga katawan—

Masakim kong kagustuhan.


Ako ang magtatahi,

Hanggang papuntang langit ang iyong gawi.

Hahalikan ang iyong mga labi,

Upang ang buhay mo'y magisi.


Iiwan ang mga kapiraso mo,

At tayo ay mag-lalaro "Hanapin mo ako".

Ang puso mo lamang ang aking gusto,

Yakapin mo ang aking multo—


Pakinggan ang wika at tawa,

Kay sarap sa aking tenga.

Ngayo'y ika'y nariyan, narito, naroon;

Kasama kong ibabaon.


No comments:

Post a Comment