Friday, November 10, 2023

π—£π—”π—‘π—œπ—§π—œπ—žπ—”π—‘: "Mananahan sa iyo" ni Gen Paris Masamayor


Inilathala ni: Marino Peralta

Petsang Inilathala: November 10, 2023

Oras na Inilathala: 1:17 PM


Kategorya: Tula

Tema: Pagmamahal na walang kamatayan.



Minulat mo ako sa mundo,
Ngayon, ako'y isang anino—
Na pagala-gala kung saang distrito;
At naghahanap sa paraiso mo,

Na kung saan ako'y mananahan,
At babalik sa dapat kong tirahan.
Lilibutin ko ang asya,
Nang mahanap ko ang aking pantasya—

Na alam nating sa panaginip ko lamang makakamtan,
Ang pangarap kong walang patutunguhan.
O Kay saklap ng aking kinahinatnan,
At sa kamay mong makasalanan ako'y tumahan.

Tanging pagtangis at lumbay ang naranasan;
Sayong mga bisig na kay sakit alagaan.
Tila ako'y inihalintulad sa mga biktima ng iyong nakaraan,
Subalit minahal kita ng banal bilang akin—

Ngunit inilibing mo ako ng buhay,
Kasama ang hinanakit sa aking hukay.
Pero, kahit kailan ma'y hindi mawawalay,
Sa'yong tabi habang-buhay.

Patuloy akong tatabi sa iyong pagtulog,
Panonoorin ka nang nakangiti at nakaturo,
At bubulungan ka ng “hindi tayo magkakalayo”
Hanggang sa huling hininga mo'y ako ay nakatayo sa burol mo.

No comments:

Post a Comment