Monday, November 20, 2023

π—£π—”π—‘π—œπ—§π—œπ—žπ—”π—‘: “Sa Susunod na Buhay” ni Asliah Baute

 


Inilathalata ni: Katrina Sophia S. Eustaquio

Petsang Inilathala: Nobyembre 20, 2023

Oras na Inilathala: 7:16 AM


Kategorya: Tula

Tema: Pangako sa natapos na pagmamahalan


Noon ay taimtim akong nagdadasal—

Sana, sana, sana tayo hanggang sa huli.

Sana ay ibigay ka niya sa'kin,

Ngunit ako ata ay pinaparusahan ng Diyos.

Mga kamay mo na mahigpit ang lapat

Ay biglang nawala sa pagkakahawak sa'kin,

Ang pulang tali natin ay unti-unti nang naglalaho.


Ang mga paru-parong naramdaman noon

sa aking tiyan at ngayo'y nananatili 

sa aking baga, nagpapahirap sa aking paghinga.

Ako ay takot nang umibig,

Dumating na ako sa punto ng buhay na—

Kung hindi ikaw— huwag na lamang.

Aantayin at ipipilit ko ang kwento natin.

Kahit alam kong hindi ka na babalik sa'kin.


Bakit sa gabi, sa tuwing pipikit upang matulog,

Ay bumabalik ang ating mga alaala na tila rumaragasang ilog na sabik sa pag-agos.

Batid kong kasalanan ko kung bakit ka umalis,

Ngunit labis kong pinagsisihan 'yon,

Handa akong lumuhod nang paulit-ulit at 

magmakaawa sa'yo na bigyan ako ng pansin.


Ngayon ako'y muling nasa harapan ng Diyos,

Ngunit hindi na para ipagdasal na 

sana’y ikaw sa akin ay ibigay,

Ngunit upang humiling at mangako.

Sa buhay na ito ay maraming hadlang,

Ngunit sa susunod, anuman ang maging

balakid, hinding-hindi na kita bibitawan.

γ…€γ…€γ…€γ…€γ…€γ…€γ…€γ…€γ…€γ…€ 

Sa susunod na buhay, kung ako'y papalarin.

Sa susunod na buhay, ika'y mamahalin nang labis. 

Sa susunod na buhay, tatahakin ko ang kapalaran ko sa iyong tabi ano man ang mangyari.

Sa susunod na buhay, hahanapin kita, pangako.

Sa susunod na buhay, tayo ang magwawagi. 

Sa susunod na buhay, pangako.


PINAGMULAN NG IMAHE:

Magill. (2023).Out in the Storm. https://www.jmlondon.com/content/feature/962/artworks-63733-anne-magill-out-in-the-storm-2023/


No comments:

Post a Comment