Ipinintang sining ni: Charlotte A. (n.d.). The Peace of Wild Things Charlotte Ager Illustration. https://charlotteager.co.uk/the-peace-of-wild-things
Inilathala ni: Lhizel Pinawin
Petsang Inilathala: Marso 9, 2024
Oras na Inilathala: 2:17 P.M
Kategorya: Tula
Tema: Sugat ng natapos na pagmamahalan
Tema: Sugat ng natapos na pagmamahalan
ayaw kong balikan ang nakaraan,
at sabihin na sana hindi na lang.
hinihintay pa rin kita, masakit man
ngunit palagi akong nakatanaw sa'yo,
nagbabaka-sakaling piliin mo ulit ako.
"𝘩𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘯𝘢 𝘬𝘪𝘵𝘢 𝘬𝘢𝘺𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘩𝘢𝘭𝘪𝘯 𝘬𝘶𝘯𝘨
𝘱𝘢𝘢𝘯𝘰 𝘥𝘢𝘱𝘢𝘵 𝘬𝘪𝘵𝘢 𝘮𝘢𝘩𝘢𝘭𝘪𝘯."
nakakatawa, pareho naman nating
alam na bawal ang ating pagmamahalan,
pero hindi pa rin natin magawang
iwasan at iwan ang isa't isa,
sa mata man ng Diyos o ng sanlibutan,
pipiliin kita palagi—walang hanggan.
"𝘐𝘬𝘢𝘸 𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘪𝘯𝘢𝘬𝘢𝘮𝘢𝘨𝘢𝘯𝘥𝘢 𝘢𝘵 𝘱𝘪𝘯𝘢𝘬𝘢𝘮𝘢𝘴𝘢𝘬𝘪𝘵 kong 𝘴𝘪𝘬𝘳𝘦𝘵𝘰."
at sa bawat bukas na dadaan,
pangalan mo ang unang papasok sa isipan.
sa gabi, tuwing mata ay papikit na at handa nang matulog,
mga alaala na sabay nating binuo ay tila isang rumaragasang tren na pabalik na kung saan ito nag-umpisa.
"𝘱𝘢𝘳𝘦𝘩𝘰 𝘵𝘢𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘳𝘪𝘳𝘪𝘵𝘰 𝘱𝘢, 𝘱𝘦𝘳𝘰 𝘢𝘯𝘨 𝘵𝘰𝘯𝘰 𝘯𝘢𝘵𝘪𝘯 𝘢𝘺 𝘩𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘯𝘢 𝘵𝘶𝘨𝘮𝘢."
at kung talagang hindi na pwede,
at ang puso mo ay nakabaling na sa iba,
hayaan mo pa rin sanang mahalin kita—
at kung siya'y sasaktan at paluluhain ka,
makakaasa kang bukas palagi ang pinto
papunta sa'kin, palagi kitang aantayin.
dekada man ang dumaan, mag-aantay ako.

No comments:
Post a Comment