Monday, August 12, 2024

π—•π—”π—Ÿπ—œπ—§π—”: "Pangalawang Pangulo ng US na si Kamala Harris, tatakbo sa pagkapangulo ngayong taon" ni Francis Mesa



Inilatha ni: John Kurt Gabriel Reyes

Petsang Inilathala: Agosto 12, 2024

Oras na Inilathala: 11:16 AM


Inihayag ng Pangalawang Pangulo ng Estados Unidos na si Kamala Harris ang kanyang opisyal na kandidatura para sa pagkapangulo sa halalan sa Nobyembre 2024 sa isang pahayag na inilabas sa X noong Hulyo 27, 2024.

Ang kanyang plataporma at kampanya ay magpapatuloy na suriin at susubaybayan ng mga eksperto at botante upang makita ang kanyang kakayahang maghatid ng pagbabago sa bansa.

Sa kanyang pahayag, sinabi ni Harris, “Today, I signed the forms officially declaring my candidacy for President of the United States. And in November, our people-powered campaign will win.”

Binibigyang-diin ng kanyang kampanya ang mga isyu ng climate change, ekonomiya, at aborsyon.

Layunin niyang palawakin ang saklaw ng healthcare coverage, magbigay ng higit na suporta sa mga pamilyang nasa gitnang antas ng ekonomiya, at magtataguyod ng mga inisyatibo para sa mas malinis na enerhiya.

Ang pormal na pag-anunsyo ni Kamala Harris ng kanyang kandidatura para sa pagkapangulo ngayong darating na Halalan ay nagmarka ng isang mahalagang hakbang sa kanyang karera sa politika.

Si Kamala Harris ay kasalukuyang Pangalawang Pangulo ng Estados Unidos at kilala sa kanyang dedikasyon sa serbisyo publiko. Bago maging bise presidente noong Enero 20, 2021, siya ay naging Attorney General ng California at U.S. Senator. Siya rin ang kauna-unahang babae, Black American, at South Asian American na nanalo sa pagka-bise presidente.

Sa kanyang kampanya, nakakuha si Harris ng suporta mula sa iba't ibang kilalang politiko, kabilang ang ika-44 na pangulo ng Estados Unidos, si Barack Obama. Ang kanyang kandidatura ay inaasahang magdudulot ng bagong dinamika sa Democratic Party, at maaaring magpwersa sa partido na tumutok sa mga isyung pinapahalagahan ng mga kabataan at mga progresibong botante.


MGA SANGGUNIAN:

McNamee, G. L. (2024) ''Kamala Harris Vice President of the United States'' https://www.britannica.com/biography/Kamala-Harris

Luhby, T. et al. (2024) ‘’Here’s what a Harris presidency could look like’’ https://edition.cnn.com/.../kamala-harris-key.../index.html

Faguy, A. and Debusmann, B. (2024) ‘’Obamas endorse Kamala Harris for president’’ https://www.bbc.com/news/articles/c3g32y8j772o

Kamala Harris [@KamalaHarris]. (2024, July 27). Today, I signed the forms officially declaring my candidacy for President of the United States. I will work hard to earn every vote. [x.] https://x.com/KamalaHarris/status/1816998711056052463...

No comments:

Post a Comment