Thursday, September 12, 2024

π—•π—”π—Ÿπ—œπ—§π—”: “Hari ng Entablado: ICT Kampeon sa Balagtasan ng Buwan ng Wika 2024” ni Carmelo Padernal


 







Inilathala ni: John Kurt Gabriel Reyes

Mga kuha ni: Arabebe Shi

Petsang inilathala: Setyembre 12, 2024

Oras na inilathala: 9:40 PM


Itinanghal bilang kampeon sa Balagtasan ng Buwan ng Wika 2024 sa Lyceum of Alabang ang Information and Communications Technology (ICT) istrand sa ginanap na patimpalak noong Lunes, ika-9 ng Setyembre, sa HR Conference Room, na may paksang "Ang Pilipinas: Monolingguwal o Multilingguwal tungo sa Kaunlaran." 

Sa isang panayam ng Spiracle kay Bb. Ronalyn Mercado, isa sa mga komite, ibinahagi niya ang kanyang kasiyahan sa ipinakitang talento ng mga mag-aaral.

“Nakakatuwa kasi bawat isa sa kanila ay nagpakita ng angking galing pagdating sa larangan ng Balagtasan. Nakakatuwa 'yun bilang isang guro kasi hindi natin in-expect na may ganoon pala silang tinatago na talento,” wika ni Bb. Mercado.

Nanguna ang ICT istrand, na kinabibilangan nina MJ Gillesania, Joshua Canja, at Princess Zandra Grace Ballon, at sila ay nagpakitang-gilas sa kanilang kahusayan sa pag-aarte at pagbibigkas sa naganap na Balagtasan. Ang kanilang tagumpay ay hindi lamang nagbigay sa kanila ng pinakamataas na parangal kundi naging inspirasyon din para sa buong ICT strand na magsikap sa mga susunod na patimpalak.

Kasunod nito, ang unang pwesto ay iginawad sa Humanities and Social Sciences (HUMSS) istrand, na binubuo nina Elyza Mae Ponte, Shekainnah Gwyneth Guron, at Marcus Villalobos. Samantalang ang ikalawang pwesto naman ay nakuha ng General Academic Strand - Industrial Arts (GAS-IA) istrand, na kinabibilangan nina Aljun Joy Gillego, Romina Andrea Misa Rellosa, at Chariz Marianne Batula. 

Lahat ng istrand ay nagpakita ng kanilang kahusayan sa larangan na ito. Ang bawat damdamin, salita, pag-arte, interpretasyon, at sikhay na ipinamalas nila ay tunay na kapuri-puri at nararapat na palakpakan.

No comments:

Post a Comment