Friday, September 27, 2024

π—žπ—’π—Ÿπ—¨π— : "Iskolar ng kawalan" ni Eli James C. Evangelista

 


Disenyo ni: James Gamboa

Inilathala ni: Jasmine Priya G. Nadarajan

Petsang Inilathala: Setyembre 27, 2024

Oras na Inilathala: 11:55


Bawat estudyante ay may pagkakaiba sa estado ng kanilang pamilya; mahirap man o mayaman, bawat isa sa atin ay mayroong karapatan na magkaroon at mabigyan ng magandang edukasyon. Lalo na’t sa isang unibersidad na napakahalaga ang makapasok upang maging iskolar ng bayan. Subalit, paano na kapag ang mahihirap ay hindi pinagbigyan makakuha nito dahil sa mga mayayaman at “burgis” na mayroong pribilehiyo na nagiging dahilan upang sila ang makakuha ng oportunidad na mas nararapat sa estudyanteng nasa laylayan na  nagdoble-sikap, naghirap, nagdugo, at nagpapawis para makapasa lamang.

Ang UPCAT (University of the Philippines College Admission Test) ay isa sa mga pinakahinihintay ng buong bansa. Dahil ito sa maraming oportunidad na maaaring maibigay sa mga biniyayaan na makapasa. Kada taon ay higit isang libong mag-aaral ay sumusubok sa UPCAT. Ngunit, maraming kinakaharap ang mga mamamayan dahil sa pagkaharap ng pananalapi ng ibang mga pamilya. Marami ang di kaya ang mga test-review centers dahil sa presyo nito at ang mga iba pang reviewers na ginagamit lamang ng may kaya. Ito ay malaking kawalan sa mga mahihirap.

Ayon sa pinakahuling datos ng CHED, hindi bababa sa tatlo sa bawat sampung mag-aaral ang umaalis sa paaralan pansamantala o permanente dahil sa kahirapan sa pananalapi, problema sa pamilya, relokasyon, medikal o mental health concerns, at kahirapan sa akademiko. Ito ba ang “Pantay” na sinasabi na ang edukasyon ay para sa lahat? Mga dapat “iskolar” nawawalan ng pagkakataong makaranas ng pag-aaral dahil sa kahirapan? Sila’y nagdurusa at nangungulila na lang dahil sa pagkawalan nila ng edukasyon. Ang mga may mas malaking kayamanan ay maaaring mag-aral para sa pagsusulit ang mas epektibo kaysa sa mga walang kaya.

Ang mga masasalapi na mag-aaral ay mabibigyan ng mas mahusay na guro at mas magandang pasilidad, kabilang ang mga materyales sa pagsusuri at pribadong tutor upang ihanda sila hindi lamang para sa UPCAT kundi para sa iba pang pagsusulit sa pagpasok sa kolehiyo. Sa kabaligtaran, maraming pampublikong paaralan ang nakakaranas ng kakulangan sa espasyo, mga materyales sa pag-aaral, at mga guro. Hindi patas ang pagtrato na ibinibigay sa mga mahihirap kumpara sa mga mayayaman. Sa mga kinapos ang palad, kaunti ang kanilang mapagkukunan ng magagamit sa rebyu ng UPCAT. Mapapatanong na lang tayo sa ating sarili kung ang edukasyon ba ay pang lahat o ito ba ay para sa may kaya lamang? Ang mga programa na ginawa para maiangat ang kapwa mamamayan ay nanghihila lang lalo pababa sa ating sistema.

Lahat ay may malayang kalooban makapag-aral, kahit gaano man kahirap o kayaman ang isang estudyante, lahat ay karapat-dapat makatanggap at mabigyan ng edukasyon. Kaya sa UPCAT, walang dahilan na hindi ituloy ang pag-aaral. Subalit, may malaking sagabal ang mayayaman. Ang mga kinakailangan i-rebyu para sa UPCAT ay mahirap mapagkunan, hindi tulad sa mga may kayang pumasok sa mga review center.

Bilang estudyante, hindi dapat natin hinaan ang ating loob dahil 'di kayang makabayad o “walang kaya." Dapat ang mga eskwelahan ay mapaunlakan at magbigay-halaga sa mga estudyanteng hindi pinalad. Sana ito’y mabago sa kasalukuyan man o sa kinabukasan para lahat ng mga mag-aaral na naghahangad maging matagumpay paglaki ay mayroong pagkakataon, mahirap man o mayaman na maging iskolar ng bayan.

MGA SANGGUNIAN:

Servallos, N. J. (2024, February 12). CHED wants more underprivileged students in SUCs. Philstar.com. https://www.philstar.com/headlines/2024/02/13/2332944/ched-wants-more-underprivileged-students-sucs

GMA News. (2014, January 1). Is it time for UP to abandon the UPCAT? GMA News Online. https://www.gmanetwork.com/.../is-it-time-for-up.../story/

No comments:

Post a Comment