Saturday, September 21, 2024

๐—Ÿ๐—”๐—ง๐—›๐—”๐—Ÿ๐—”๐—œ๐—ก: “Pasko na? Pero teka! Setyembre pa lang naman” ni Thea Faye Mari Beracis


 Inilathala ni: John David Viรฑas

Petsang Inilathala: Setyembre 21, 2024

Oras na Inilathala: 3:13PM



Pula at berde ang siyang temang kulay. Sa bawat paglingon ay may kumukutikutitap at bumubusibusilak na indak ng mga bumbilya sa bawat bahay na daraanan. May mga dekorasyon na tila nagpapahayag ng isang malaking selebrasyon kada taon, ang pasko. Ngunit paanong mangyari, kung Setyembre pa lamang?


Maraming napapatanong, maraming nagtataka. Ano nga bang mayroon sa mga Pilipino? Na sa tutuusin ay umpisa pa lamang ng taglagas para sa ibang bansa; Ano pa’t umpisa na ng panahon ng pasko, tatlong buwang kay-aga sa Disyembre na mismong buwan nito?


๐—”๐—ฝ๐—ฎ๐˜ ๐—ป๐—ฎ ๐—•๐˜‚๐˜„๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐˜€๐—ธ๐—ผ


“๐˜—๐˜ข๐˜ด๐˜ฌ๐˜ฐ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฏ. ๐˜– ๐˜ฌ๐˜ข๐˜บ ๐˜ต๐˜ถ๐˜ญ๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ข๐˜ณ๐˜ข๐˜ธ. ๐˜—๐˜ข๐˜ด๐˜ฌ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜จ๐˜ฅ๐˜ข๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ต๐˜ช๐˜ญ๐˜ข ๐˜ฃ๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ช๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ~” Napakabilis nga naman ng araw sa kadahilanan na BerMonths na naman; Ang panahon na mag-uumpisa ng katapusan ng taon.


Ang BerMonths ay binubuo ng mga buwan ng Setyembre, Nobyembre, Oktubre, at Disyembre. [1] Ito ang isa sa mga pinapahalagahan na tradisyon ng mga Pilipino pagdating sa pagdiriwang ng pasko.


Ito rin ang kinikilalang pinakamahabang pagdiriwang ng pasko sa buong mundo na nagsisimula mula Setyembre hanggang umpisa ng Enero, siyang dahilan ng hanga ng bawat banyaga na bumibisita ng bansa para lamang maranasan ang mahabang selebrasyon na ito. [2]


Sa pagsapit ng ika-1 ng Setyembre, iyong maririnig na sa bawat pampublikong lugar ang himig ng mga kantang pampasko. Simula na rin ito ng pagdedekorasyon sa kani-kaniyang bahay, mapa-makulay na Christmas lights man, o yaong malalaking parol ay paniguradong hindi mawawala.


Tuwing gabi ay may kakatok sa mga pinto. Maliliit at maiingay. May ngiti sa labi na tila may binabalak. Ang balak nila? Iyon ang mangaroling sa bawat kabahayan na madadaanan. Walang makakalagpas sa pagdinig ng munting tinig ng mga bata na kumakanta ng mga kantang pampasko, dala-dala ang kanilang mga sariling gawang instrumento. Ang tanging hiling lamang nila ay ang mga barya na iyong maibibigay bilang kapalit. Kung mayroon man, “๐˜›๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜ฌ๐˜บ๐˜ถ, ๐˜ต๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜ฌ๐˜บ๐˜ถ, ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฃ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ข๐˜ช๐˜ต ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ฏ๐˜บ๐˜ฐ~” ang iyong matatanggap. Kung wala ay maghanda ka nang sumigaw ng “Patawad!”


Sa apat na buwan na ito, ramdam na agad ang diwa ng pasko. Bawat himig at lamig na dala ng katapusan ng taon ay siyang hiling ng mga tao na sana’y maligaya ang mga susunod pang pagkakataon.


๐—ฆ๐—ถ๐—บ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—š๐—ฎ๐—ฏ๐—ถ: ๐—ฃ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ถ๐—ป ๐—ฎ๐˜ ๐—›๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ป๐—ด


“๐˜’๐˜ข๐˜ฎ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ด๐˜ช๐˜ฎ๐˜ฃ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜จ๐˜ช๐˜จ๐˜ช๐˜ด๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ข๐˜ต ๐˜ธ๐˜ข๐˜ณ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜จ๐˜ด๐˜ข๐˜ด๐˜ข๐˜ฃ๐˜ช ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ต๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ'๐˜บ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜จ๐˜ด๐˜ช๐˜ฎ๐˜ฃ๐˜ข~” ay isa pa sa mga lirikong nagpapaliwanag ng paraan ng mga Pilipino sa pagdiriwang ng pasko. Handa ka na bang magsimba upang matupad ang iyong kahilingan ngayong pasko?


Tuwing ika-15 hanggang ika-24 ng Disyembre ay nagsisimula ang simbang gabi. Ito ay pagsisimba ng siyam na sunod-sunod na araw upang pagpapahalaga at pagpapasalamat sa pagsilang ng banal na tagapagligtas na si Hesus. Ito ay nagpapakita ng walang hanggang debosyon at pagmamahal ng mga Pilipino sa Panginoon lalo na’t palapit na nang palapit ang kapaskuhan. [3] 


Isa pa sa paniniwala ng mga Pilipino ay kapag nakumpleto nila ang siyam na araw na pagsisimba ay tutuparin ng Panginoon ang kanilang panalangin gaano man ito kaliit o kalaki.


Paglabas mo ng simbahan ay ang sangkatutak na mga pagkain na sa pasko ay mabentang-mabenta sa bawat tao. Kabilang na rito ang puto bumbong, bibingka, kutsinta, at iba pa. Sa bawat lasap ng mga pagkain ay ang mga dasal na sana’y matupad. Ikaw, anong hiling mo?


๐—ž๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐˜€๐—ธ๐˜‚๐—ต๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐—ต๐—ถ๐—ต๐—ถ๐—ป๐˜๐—ฎ๐˜†


“๐˜ˆ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜—๐˜ข๐˜ด๐˜ฌ๐˜ฐ ๐˜ข๐˜บ ๐˜ด๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ช๐˜ต, ๐˜ต๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜ข๐˜จ๐˜ด๐˜ช-๐˜ข๐˜ธ๐˜ช๐˜ต ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜จ๐˜ข๐˜จ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฉ๐˜ช๐˜ฎ๐˜ช๐˜จ ๐˜ฅ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ช๐˜ญ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜‹๐˜ช๐˜บ๐˜ฐ๐˜ด ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ-๐˜ช๐˜ฃ๐˜ช๐˜จ~” Pagsapit ng pinaka-inaabangang araw ay siyang lugod ng bawat tao sa mundo. Kay saya nga naman ng umpisa ng araw kung ito ay kaarawan ng nag-iisang banal na Hesus.


Magsisimula ang araw ng kapaskuhan sa mga kabataan na nagsisi puntahan upang humingi ng aginaldo sa kanilang mga ninong at ninang na kakakuha lamang ng kanilang bonus, bagay na di nila matatanggihan.


Ang araw ay magpapatuloy sa pagb-bonding ng mga magkakaibigan at magkakapamilya; kani-kaniyang usapan na may halong ngiti sa mga labi, naghahayag kung gaano kasaya kapag kasama ang mga taong mahal mo sa buhay.


Sa pagdating ng gabi ay kani-kaniya nang pakulo ang bawat pamilyang Pilipino. Bawat selebrasyon ay makikitaan ng kasiyahan. Hindi mawawala ang Noche Buena, ang handaang pinakahihintay ng mga Pilipino. Hindi rin makaliligtaan ang Monito Monita o ang pagbibigayan ng regalo sa bawat kasamang magdiwang ng pasko. Kahit ano man ang ang iyong regalo ay makatatanggap ka ng malaking pasasalamat at pagpapahalaga.


Kay saya nga naman magdiwang ng pasko; Buhay na buhay ang diwa nito sa bawat sulok ng mundo. Ngunit, teka, teka, teka! Setyembre pa lang pala.


๐— ๐—š๐—” ๐—ฆ๐—”๐—ก๐—š๐—š๐—จ๐—ก๐—œ๐—”๐—ก

[1] Bautista, C. (2018, Setyembre 17) Ang mga kahulugan ng ‘ber’ months. Balita. https://balita.mb.com.ph/2018/09/18/ang-mga-kahulugan-ng-ber-months/


[2] Garcia, K. (2024, Setyembre 16) Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo. Balita. https://balita.mb.com.ph/.../paskong-pilipino.../....


[3] Bautista, C. (2016, Disyembre 16) SIMBANG GABI, SIMULA NG PAGDIRIWANG NG PASKO Unang Bahagi. Balita. https://balita.mb.com.ph/.../simbang-gabi-simula-ng.../

No comments:

Post a Comment